Monday, January 10, 2011

Kasabihang Pinilosopo

Pinoy! Likas na masayahin. Tinanong ko ang kaibigan ko tungkol sa isang kasabihan na tumutukoy sa "bahay na bato" at "kwago". Sinagot naman nya ako.

"Aanhin mo ang bahay na bato kung ang laman ay kuwago,
mainam pa ang kubo ang nakatira ay tao."

Naghanap ako sa internet ng ibang paraan kung paano sasabihin ito. Natawa naman ako sa mga nahanap ko. Hayaan nyo akong ibahagi ito at samahan nyo ako sa pag-tawa.

1. "Aanhin mo ang bahay na bato kung hindi naman sau."

2. "Annhin mo ang bahay na bato kung sa kapitbahay mo to."

3. "Aanhin mo ang bahay na bato kung di mo nman mabayaran eto."

4. "Aanhin mo ang bahay na bato kung muka ka namang gago."

5. "Aanhin pa ang bahay na bato kung nakatira ka na sa puso ko."

6. "Aanhin mo ang bahay na bato kung katulong klang nman dito."